Posts

Showing posts with the label filipino

Bayan o Sarili: A Reaction on the Heneral Luna Film

About 116 years after his treacherous death, General Antonio Luna is paid tribute with a biopic film entitled Heneral Luna for his overlooked, significant contribution in building a Filipino nation. The production was made possible by Jerrold Tarog, who was not just the director, but also the co-scriptwriter, musical composer and editor of the movie. Tarog was able to arrange the essential elements, both historically and artistically, to come up with an undeniable Filipino masterpiece.  Unlike any other motion picture that seeks to sanctify the historical figures they focus on, Heneral Luna takes a different path by making sure that the general appears more "human". Aside from being portrayed as extremely nationalistic, Gen. Luna is depicted as fierce in words, proud, hot-tempered and strict to his hopeless army, hilarious to his loyal lieutenants, and an affectionate son to his mother. Additionally, it provides a storyline of how we lost the battle to the America...

Wikang Filipino, Atin Ito

Ang arkipelagong Pilipinas ay binubuo ng pitong libo, isang daan at pitong pulo. Ito’y nahahati sa tatlong dibisyon, Luzon, Visayas at Mindanao, at sa labing-pitong rehiyon. Sa bawat sulok ng bansa, mapahilaga man o timog, kanluran o silangan, naninirahan ang mga taong may iba’t ibang uri ng pamumuhay, sari-saring mga paniniwala’t tradisyon.  Sa kadahilanang ang mga lugar ay pinaghihiwalay ng karagatan, ang mga Pilipino sa bawat pulo ay gumagamit ng sarili nilang dayalekto. May ibang salita na magkatulad, may iba namang hindi pareho ang pagkakagamit ngunit kadalasan, iba talaga ang katumbas. Ang iba ay may tono kung magsalita, ngunit mayroon namang parang galit. Kung pagsasama-samahin ang isang kinatawan ng bawat lugar sa isang silid, paniguradong hindi sila magkakaintindihan. Kaya sa panahon ni Manuel L. Quezon, gumawa sila ng hakbang para bumuo ng isang pambansang wika na siyang magiging sagot sa hindi pagkakaunawaan. Ang mga ebidensyang nagpapahiwatig na pinapahalagah...

Paglipat ng Pasukan sa Agosto, Nararapat Ba?

INTRODUKSYON Nitong ika-15 ng Marso 2014, ang tatlong kampus, ang UP Manila, UP Visayas at UP Open University, ay nagpalabas na ng kanilang bagong kalendaryo pang-akademiko para sa akademikong taon 2014-2015. Halimbawa, sa UP Visayas na binubuo ng mga kampus ng Miago, Iloilo City at Tacloban  (nasa appendix), ang unang semestro nito ay mula Agosto 18 – Disyembre  5, ang ikalawang semestro naman ay mula Enero 26 – Mayo 22 at ang maikling termino o mas kilala sa tawag na summer ay sa Hunyo 18 hanggang Hulyo 24 (Aurelio, 2014). Ika-anim ng Pebrero 2014, nagpahayag ang Unibersidad ng Pilipinas na magkakaroroon ito ng panibagong kalendaryong pang-akademiko o academic calendar at iiimplementa ito ngayong 2014-2015. Mula sa Hunyo, ang simula ng pasukan ay ililipat sa Agosto. Nakapaloob dito na ang unang semestro, mula Hunyo-Oktobre, ay magsisimula na sa buwan ng Agosto hanggang Disyembre. Ang ikalawang semestro naman ay mula Enero hanggang Mayo, na noong una ay mula Nobyem...

10-B Pork Barrel Scam sa "Tuwid na Daan"?

Nitong Hulyo 2013, nagimbal ang buong Pilipinas ng maisiwalat at nabunyag ang nakakagulantang at nagbabagang pork barrel scam . Ang kontrobersiyang ito ang siyang laman ngayon ng mga balita, nakaimprenta sa mga pahayagan, inere- report sa mga radyo, at higit sa lahat, ang bukambibig ng mga mamamayan. Ikinagulat pa rin ng sambayanan ang paglitaw ng isyu, kahit na alam nilang talamak na talamak talaga ang kurapsyon sa bansa. Ang nasabing scam ay kinasasangkutan ng mga bigating pangalan sa pulitika. Tumataginting na may kabuuan na sampung (10) bilyong piso ang halaga ng perang nanakaw mula sa kaban ng bayan. Sa pagbubunyag ni Benhur Luy, naimulat sa parang sampal na katotohanan ang publiko sa mga panloloko, pandarambong at kung anu-ano pang kalapastanganang ginagawa ng mga buwayang pulitiko sa bayan. Sa halip na pagsilbihan tayo ng mga taong pinagkatiwalaan at inihalal natin sa pwesto, mas pinili pa nila ang nakawin ang perang pinaghirapan mismo ng bawat Pilipino. Nakaya pa nilang b...