Wikang Filipino, Atin Ito
Ang arkipelagong Pilipinas ay binubuo ng pitong libo, isang daan at pitong pulo. Ito’y nahahati sa tatlong dibisyon, Luzon, Visayas at Mindanao, at sa labing-pitong rehiyon. Sa bawat sulok ng bansa, mapahilaga man o timog, kanluran o silangan, naninirahan ang mga taong may iba’t ibang uri ng pamumuhay, sari-saring mga paniniwala’t tradisyon. Sa kadahilanang ang mga lugar ay pinaghihiwalay ng karagatan, ang mga Pilipino sa bawat pulo ay gumagamit ng sarili nilang dayalekto. May ibang salita na magkatulad, may iba namang hindi pareho ang pagkakagamit ngunit kadalasan, iba talaga ang katumbas. Ang iba ay may tono kung magsalita, ngunit mayroon namang parang galit. Kung pagsasama-samahin ang isang kinatawan ng bawat lugar sa isang silid, paniguradong hindi sila magkakaintindihan. Kaya sa panahon ni Manuel L. Quezon, gumawa sila ng hakbang para bumuo ng isang pambansang wika na siyang magiging sagot sa hindi pagkakaunawaan. Ang mga ebidensyang nagpapahiwatig na pinapahalagah...