Posts

Showing posts from 2014

Paglipat ng Pasukan sa Agosto, Nararapat Ba?

INTRODUKSYON Nitong ika-15 ng Marso 2014, ang tatlong kampus, ang UP Manila, UP Visayas at UP Open University, ay nagpalabas na ng kanilang bagong kalendaryo pang-akademiko para sa akademikong taon 2014-2015. Halimbawa, sa UP Visayas na binubuo ng mga kampus ng Miago, Iloilo City at Tacloban  (nasa appendix), ang unang semestro nito ay mula Agosto 18 – Disyembre  5, ang ikalawang semestro naman ay mula Enero 26 – Mayo 22 at ang maikling termino o mas kilala sa tawag na summer ay sa Hunyo 18 hanggang Hulyo 24 (Aurelio, 2014). Ika-anim ng Pebrero 2014, nagpahayag ang Unibersidad ng Pilipinas na magkakaroroon ito ng panibagong kalendaryong pang-akademiko o academic calendar at iiimplementa ito ngayong 2014-2015. Mula sa Hunyo, ang simula ng pasukan ay ililipat sa Agosto. Nakapaloob dito na ang unang semestro, mula Hunyo-Oktobre, ay magsisimula na sa buwan ng Agosto hanggang Disyembre. Ang ikalawang semestro naman ay mula Enero hanggang Mayo, na noong una ay mula Nobyem...