10-B Pork Barrel Scam sa "Tuwid na Daan"?
Nitong Hulyo 2013, nagimbal ang buong Pilipinas ng maisiwalat at nabunyag ang nakakagulantang at nagbabagang pork barrel scam . Ang kontrobersiyang ito ang siyang laman ngayon ng mga balita, nakaimprenta sa mga pahayagan, inere- report sa mga radyo, at higit sa lahat, ang bukambibig ng mga mamamayan. Ikinagulat pa rin ng sambayanan ang paglitaw ng isyu, kahit na alam nilang talamak na talamak talaga ang kurapsyon sa bansa. Ang nasabing scam ay kinasasangkutan ng mga bigating pangalan sa pulitika. Tumataginting na may kabuuan na sampung (10) bilyong piso ang halaga ng perang nanakaw mula sa kaban ng bayan. Sa pagbubunyag ni Benhur Luy, naimulat sa parang sampal na katotohanan ang publiko sa mga panloloko, pandarambong at kung anu-ano pang kalapastanganang ginagawa ng mga buwayang pulitiko sa bayan. Sa halip na pagsilbihan tayo ng mga taong pinagkatiwalaan at inihalal natin sa pwesto, mas pinili pa nila ang nakawin ang perang pinaghirapan mismo ng bawat Pilipino. Nakaya pa nilang b...